Martes, Nobyembre 29, 2011

Pamaskong Salu-salo!

Anu-ano na nga ba ang napagplanuhan? Dahil wala akong Facebook wala akong balita bukod sa ilang binabanggit ng ilang mga kinatawan sa ilang klase.

Para lang uminit na ang ating pagpapakulo dahil halos Disyembre na: ilang mga pangako at mungkahi mula sa akin upang ganahan tayo sa paghahanda.

Ukol sa petsa, mukhang Biyernes ang napupusuang araw ng mga tao. Pwede rin yata ang Miyerkules, 7 Disyembre sapagkat tatamaan ang klase ko sa Huwebes 8 Disyembre ng misa ng Birheng Maria kaya hindi tayo magkaklase kinabukasan. Kumpirmahin na ninyo para magkaroon na ng hugis ang mga plano.

Upang masigurado ang pagdalo ng mga tao, maari nating gawin na kung sa anumang punto ng salu-salo ay umabot ng 80% ng mga kasalukuyan kong mga estudyante ang naroon (ako mismo ang magbibilang sa inyo!), pwede nating gawin n-2 ang denominator ng inyong marka sa maiikling pagsusulit imbes na ang orihinal na n-1. Kung kaya ninyo ang 90% (magaling kayo kung magawa ninyo dahil hindi pa nangyari noon.), papayag akong gawing n-3!

Heto mga bilang ng mga klase at ang mga kinatawang tagapagplano:
OO MWF 730 (Mark Alcantara): 26
RR MWF 830 (OJ Villacorta): 30
GG TTh 730 (Jam Fabia): 23
LL TTh 900 (Mike Victorio): 25
SS TTh 430 (Vien Chan): 25

Bale 129 kayong lahat.

80% = 104 katao
90% = 117 katao

O ano, hinahamon ko na kayo. Kaya niyo kaya?

Yung mga kinatawan ang magpaplano ng lugar, oras, petsa, pagkain, programa, etc. Magpaplano lang sila. Tulung-tulong (pwedeng paghatian at akuin kada seksyon ang mga tungkulin) para matupad ang mga plano.

Tulad nga ng sabi ko sa klase, kailangan natin ng mga sasali sa programa. Meron bang mga musikero, mananayaw, mangangawit, salamangkero, komedyante, aktor, atbp? Gawa tayo ng paraan para may sound system na magagamit o anumang iba pang kailangan sa kanilang pagtatanghal.

Siyempre may mga palaro din kung gusto ninyo.

Ipaskil niyo lang mga mungkahi niyo rito.

Sana magawa natin para masaya.

PJ Strebel

1 komento:

  1. Magandang Gabi po Ginoo,

    sa kasalukuyan po ay napagusapan na naming sa Desyembre 9 2011, biyernes namin gaganapin ang araw ng ating salu-salo sapagkat:

    1) Sa araw na ito ay mayroon ding isa pang gaganapin na Under the Stars ang LFC kung kaya't may pag-asang mas maraming mananatili sa paaralan.

    2) Sa oras ng 430-6 namin napili sapagkat mayroong klase ng 6-9 ang ibang mga estudyante

    3) Biyernes din namin naisipan ganapin sapagkat sabado ang susunod na araw kung kaya't mas walang gawaing pambahay ang mga mag-aaral sa araw na ito.

    ito pa lamang po ang aming napag-usapan. babalitaan na lamang po namin kayo muli pagkatapos ng aming pagkikita kita sa linggong ito.

    maraming salamat po :)

    -vien

    TumugonBurahin