Sapagkat ang Ph102 ay pagpapatuloy ng Ph101, may patakaran ang Kagawaran ng Pilosopiya na kinakailangang manatili sa parehong seksyon ang mga estudyante sa Ph101 at Ph102. Sa madaling salita, kung ano ang seksyon mo sa Ph101, iyon din ang seksyon mo sa Ph102.
Paano kung may kurso kang kailangang kunin (major subject, not elective) ngunit kasabay ng seksyon mo sa Ph102? Kailangan mong sabihin sa akin kaagad upang bago pa ang pagpaparehistro, maihanap na kita ng ibang klase ko na iyong lilipatan. Hihintayin ko ang inyong abiso ukol dito hanggang Biyernes, 14 Oktubre (huling araw ng pabigkas na pagsusulit). Sa mga susunod na araw, huwag ninyo akong hanapin sa Kagawaran ng Pilosopiya (siguradong magulo doon at maraming tao dahil sa mga pagsusulit). Sa halip, sadyain niyo ako sa dela Costa consultation room 11. Tignan na lamang ninyo ang nakapaskil sa blog na ito na iskedyul ng pagsusulit natin upang malaman niyo kung kailan niyo ako maaaring asahan doon.
Pagdating ng online reg, nakalista na kayo sa angkop ninyong mga klase at kung mayroon mang lumipat ng ibang seksyon, naisama na rin iyon sa listahan kaya sa madaling salita:
1. Huwag na huwag kayo lilipat sa klase ng ibang guro.
2. Huwag kayo lilipat ng ibang seksyon kung walang pahintulot mula sa akin.
3. Basta may problemang hindi inasahan, sa regular reg ito aaregluhin.
Paano kung malaman mong kailangan mong lumipat ng ibang klase matapos ang 14 Oktubre? Mag-email, text o magpaskil ka ng puna dito upang malaman ko ang iyong pangangailangan. Dahil hindi na aabot ang pangalan mo sa listahan, huwag kang magpalista sa Ph102 sa online reg. Aasikasuhin ang kaso mo sa regular reg.
Maraming salamat at kita-kita tayo muli sa susunod na semestre.
Ginoong Strebel, hindi po ako nag-enlist sa Ph 102 dahil sa kaguluhan sa iskedyul. Kailan po maaaring makipagkita sa regular registration upang aregluhin ito? Maraming salamat po.
TumugonBurahinMagandang araw po, G. Strebel. Hindi po ako pupwede sa ating nakaraang seksyon (Ph101 730-830am, MWF) dahil sa problema sa aking isa pang klase (major elective). Hindi nalang po ako nagpalista sa nakaraan nating klase dahil baka sakali ay pupwedeng maisaayos sa manual registration. Paano ko po kayo makakausap? Maraming salamat po.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinGinoong Strebel, maaari po bang asikasuhin ang problema sa pagpapalista sa ika-6 ng Nobyembre imbis na sa ika-4 ng Nobyembre? Maraming salamat po.
TumugonBurahin