Pasensya na sa mga katoto natin at hindi natuloy ang mga pagsusulit ngayong araw ng Lunes, 21 Pebrero. Nadawit ako sa isang aksidente habang nagmamaneho ng kotse papunta sa Ateneo. Bukod sa ilang sugat at galos na natamo ng kapwa ko dawit na nakamotorsiklo, wala namang malubhang nasaktan at wala namang malubhang nasirang gamit o bagay.
kaya sa Lunes, 28 Pebrero na lang matutuloy ang mga naunsyaming pagsusulit. pananatilihin natin ang parehong oras ng pagsusulit para hindi magulo. kung may problema, sabihin ninyo agad. alam naman ninyo kung saan ako hahanapin.
Maraming salamat sa inyong pag-uunawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento