Paano ba iyan, mga katoto, handa nang magdiwang ang mga estudyante ko sa ph 104. Sina C. Aw at Gail Gorospe nagboluntaryo nang maging bahagi ng grupong magpaplano ng salu-salo.
Kayo? Kailangan na ng mga kinatawan ninyo para makapagplano na!
Pag-usapan natin kung ano ang gusto ninyo mangyari sa salu-salo.
Heto ang ilang mga mungkahi mula sa akin:
Upang masigurado ang pagdalo ng mga tao, maari nating gawin na kung sa anumang punto ng salu-salo ay umabot ng 60% ng mga kasalukuyan kong mga estudyante ang naroon (ako mismo ang magbibilang sa inyo!), pwede nating gawin n-2 ang denominator ng inyong marka sa maiikling pagsusulit imbes na ang orihinal na n-1. Kung kaya ninyo ang 80% (magaling kayo kung magawa ninyo dahil hindi pa nangyari noon.), papayag akong gawing n-3!
Pwede rin pumunta mga dati kong estudyante.
Yung mga kinatawan ang magpaplano ng lugar, oras, petsa, pagkain, programa, etc. Magpaplano lang sila. Tulung-tulong tayo para matupad ang mga plano.
Tulad nga ng sabi ko sa klase, kailangan natin ng mga sasali sa programa. Meron bang mga musikero, mananayaw, mangangawit, salamangkero, komedyante, aktor, atbp? Gawa tayo ng paraan para may sound system na magagamit o anumang iba pang kailangan sa kanilang pagtatanghal.
Siyempre may mga palaro din kung gusto ninyo.
Ipaskil niyo lang mga mungkahi niyo rito.
Sana magawa pa rin natin kahit Disyembre na.
PJ Strebel
Sir, kahit hindi po ako isa sa mga kinatawan, pwede akong tumulong sa pagdala ng pagkain (isang bilao ng sushi). Sana matuloy yung salu-salo; sayang naman kung di natuloy!
TumugonBurahin- Tifa
Ok! Salamat. Matthew, ikaw na bahala na maisama ito sa mga plano tungkol sa pagkain.
TumugonBurahinMayroon kayang mga sasali sa programa?