Huwebes, Nobyembre 25, 2010

Mga Panayam sa Ph 103

Mga Katoto:

Lahat ng estudyante ko sa Ph 103: Pilosopiya ng Relihiyon ay kinakailangang dumalo sa apat na panayam na ibibigay ni G. Eduardo Jose Calasanz, isa sa mga bantog na guro ng Kagawaran ng Pilosopiya.

Ang unang panayam ay gaganapin sa Sabado, 27 Nobyembre 2010 , 900-1200 sa Escaler Hall.
Pasensya na kung hindi ko ito naipaalala gawa ng dami ng ating dapat habulin sa mga nawalang klase.

Sa mga hindi makapupunta, mag-iwan kayo ng puna rito at aayusin natin kung kailan muli ibibigay ni G. Calasanz ang panayam na ito.

Heto ang iskedyul ng iba pang panayam:

Panayam 2
Sabado 18 Disyembre 2010 / 900-1200
Lunes 20 Disyembre 2010 / 1630-1930

Panayam 3
Sabado 22 Enero 2011 / 900-1200
Lunes 24 Enero 2011 / 1630-1930

Panayam 4
Sabado 12 Pebrero 2011 / 900-1200
Lunes 14 Pebrero 2011 / 1630-1930

Dalawang beses ibibigay ang bawat panayam.
Sa Escaler Hall lahat gaganapin.

Maraming Salamat.

25 komento:

  1. Magandang araw po!

    Hindi po ako makakapunta dahil may klase po ako sa araw at oras na iyon.

    Pauline Bolisay
    Seksyon DD (T-TH 6:00-7:30)

    TumugonBurahin
  2. magandang hapon sir strebel. si karen mae cruz po ito mula sa 430-6pm. hindi po ako makakadalo sa sabado dahil may klase po ako mula 9-12pm.

    TumugonBurahin
  3. Magandang hapon po sir!

    Hindi po ako makakapunta sa sabado dahil immersion ko po sa Biyernes hanggang Linggo.

    Byrone Fabiosa
    Ph103 - DD (6:00-7:30)

    TumugonBurahin
  4. Magandang hapon sir! Hindi po ako makakadalo sa panayam ngayong Sabado dahil nakatakda po akong umuwi ng probinsya mula Biyernes hanggang Linggo.

    Roxie Mercado
    Ph 103- DD (6:00-7:30)

    TumugonBurahin
  5. Magandang hapon sir! Hindi po ako makapupunta sa Sabado dahil sa buong araw na paghahanda (introduction and training) para sa imersyon, 8am-4pm.

    Angge Tioseco
    Ph 103- DD (6:00-7:30)

    TumugonBurahin
  6. Magandang gabi po sir. Hindi po ako makakapunta sa Sabado sapagkat mayroon po akong nakatakdang gawain sa aming "dorm"(University Dorm)mula 9 hanggang alas 12.

    Kristine Sonon
    Philo103 DD (6:00-7:30)

    TumugonBurahin
  7. Magandang gabi po, Sir! Si Tifa po ito. May klase po ako tuwing 9-12 ng Sabado, kaya hindi ako makakapunta sa panayam.

    Tiffany Lim
    Ph103 B (4:30-6)

    TumugonBurahin
  8. Magandang gabi sir! Mayroon po kaming course pictorials ng batch para sa yearbook sa 11:30. Mayroon po bang kaparehong panayam sa ibang araw?

    -Kenneth Orosa DD

    Sir si Chez Gokingyok din po'y nasa kursong kapareho ng sa akin. Nasa klaseng DD rin siya.

    TumugonBurahin
  9. Magandang gabi po! Hindi ako makakapunta sa panayam sa darating na sabado dahil ang Praxis ko ay nakatakda na para sa darating katapusan ng linggong ito (ika-26 hanggang 28 ng Nobyembre).

    Jore Vergara
    S | 1330-1500

    TumugonBurahin
  10. Magandang gabi po sa inyo, Sir! Hindi ako makakadalo sa panayam sa darating na sabado sapagkat may klase ako sa oras na iyon. (9-12nn)

    Jacqueline Yu
    Ph103 DD (6:00-7:30pm)

    TumugonBurahin
  11. Jerry O. Perez, Jr. (Ph103 S TTH 130-300) - Hindi po ako makakadalo sa panayam dahil nasa labas po ako ng Maynila para sa isang mahalagang seminar mula Biyernes hanggang Linggo.

    TumugonBurahin
  12. Hindi po ako makakadalo sa sabadong ito pagka't mayroon akong culinary classes mula 8 hanggang 1.

    - Christine de los Reyes PH103 S 130-3

    TumugonBurahin
  13. Maraming Salamat sa mga agad nag-abiso.

    Ang orihinal na plano kasi dapat uulitin ang panayam sa Lunes, 29 Nobyembre (akala namin ibabalik ng ating pangulo ang araw ni Bonifacio sa tunay nitong petsa). kaya hindi pala matutuloy dahil nga walang pasok sa lunes.

    Kaya't pag-uusapan naming mga kinauukulan at agad kaming mag-aabiso kung kailan gaganapin ang pag-uulit ng panayam.

    Maraming Salamat sa inyong pag-uunawa.

    At para sa iba, magkita-kita tayo sa Sabado.

    TumugonBurahin
  14. Hi Sir, hindi rin po ako makakapunta sa panayam dahil mayroon po akong klaseng sa oras na iyon.

    Chester Cheng PH 103 DD

    TumugonBurahin
  15. Magandang araw po, Ginoong Strebel!

    Hindi po ako makapupunta sa panayam sapagkat may nakatakda po akong pagpupulong na hindi rin maaaring hindi puntahan. Umasa po akong sa Lunes ako pupunta ngunit wala po palang pasok.

    Maraming salamat!

    Daryl de Vera
    Ph103-B

    TumugonBurahin
  16. Sir,

    Hindi rin po ako makakapunta sa panayam bukas. Salamat po.

    Carlo de Guzman
    Ph 103 - DD

    TumugonBurahin
  17. Sir,

    Hindi po ako makakapunta sa panayam bukas. May nauna na po akong mga plano.

    Bea Mandac
    Ph103 - DD

    TumugonBurahin
  18. Sir,
    Hindi rin po ako makakapunta bukas.

    Gill Tero
    Ph 103- B (4:30-6:00, TTH)

    TumugonBurahin
  19. Magandang gabi po Sir,
    hindi rin po ako makakadalo bukas, dahil may pasok po ako ng 9-12 ng umaga. Salamat po.

    Samuel Dy
    Ph103 S (TTH 130-300)

    TumugonBurahin
  20. Sir hindi po ako nakadalo ng panayam sapagkat ngayon ko lang po nalaman. Hindi ko po natanggap ang text na ipinadala, patawad po.

    Jhonel Faelnar
    PH103 S (TTH 130-300)

    TumugonBurahin
  21. Sir, gaya ni Jhonel na nagbigay ng puna sa itaas, hindi po ako nakadalo ng panayam sapagkat huli na nang nalaman ko ang ukol sa panayam at mayroon akong naunang kailangang panindigan. patawad po.

    Gabriel Sanchez
    PH103 S (TTH 130-300)

    TumugonBurahin
  22. Sir hindi po ako nakadalo ng panayam. Nahuli rin po ang balita sa akin. Magkita-kita po tayo sa Martes! Salamat sir!

    Alan Ortiz
    PH103 S (TTH 130-300)

    TumugonBurahin
  23. Magandang araw sir...

    Hindi po ako nakadalo noong sabado dahil nasa immersion po ako. pasensya na po sa huling pag-aabiso. salamat po

    TumugonBurahin
  24. Magandang araw sir...

    Hindi po ako nakadalo noong sabado dahil nasa immersion po ako. pasensya na po sa huling pag-aabiso. salamat po


    Mark John Tapel
    Ph103 B(TTh 430-6pm)

    TumugonBurahin
  25. Sir,

    Paumanhin po dahil hindi ako nakadalo sa panayam ni G. Calasanz noong Sabado dahil ako po ay sumailalim sa isang tatlong araw na pagbabad sa Dona Nicasia, Commonwealth para sa aking klase sa Teolohiya.

    Armand Dulay
    Ph103 S (TTH 1:30-3:00)

    TumugonBurahin