Biyernes, Oktubre 1, 2010

Mga Pagbabago sa ating klase

Magandang araw sa inyo.

Kailangan ko lamang ipaalam ang ilang mga pagbabago sa ating kalendaryo dahil nga wala tayong pasok sa Martes, ika-5 ng Oktubre. Gawa nito, minsan na lamang tayo magkikita bago ang ating huling pagsusulit.

Ukol sa inyong iskedyul ng mga pagsusulit sa ibang asignatura:
kailangan pa rin niyo ipasa ang mga ito sa Martes, ika-5 ng Oktubre. Huwag na ninyo akong hanapin. Basta ilaglag na lamang ninyo ang pirasong papel sa loob ng aking buson/kahon sa ikalawang palapag ng de la Costa Hall malapit sa hagdan. Maaaring magpasa hanggang alas-5 ng hapon.

Ukol sa mga hindi pa nag-uulat sa klase:
Ipagbigay-alam sa akin sa pamamagitan ng email kung nais pa ninyo ito isagawa.
sa email ko na rin itutugon kung ano ang kailangan ninyong iulat. Hihintayin ko ang inyong email hanggang alas-5 lamang ng hapon sa martes.

Ukol sa talaan:
Tuloy ang talaan natin sa oras ng klase sa Huwebes, ika-7 ng Oktubre.

Ukol sa huli nating klase:
Sisikapin nating tapusin ang talakayan ukol kay Heidegger. Ang natitira na lamang ay ang pagpapaliwanag ng pag-uulit (Wiederholung) at pagpapaubaya (Gelassenheit). Tapos kung may oras pa tayo, pwede tayo gumanap ng pagbabalik-aral.

O siya. Para sa inyong mga reaksyon at mga tanong, sa email na lamang ninyo ako hagilapin.
Maraming salamat sa inyo.

Mr. Strebel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento