Martes, Hulyo 20, 2010

Mga Petsa sa Kasaysayan hanggang kay Kant

469 BC Ipinanganak si Sokrates

450 Lumaganap ang mga Sopista sa Gresya

431-404 Digmaang Peloponnesian sa pagitan ng Athenai at Sparta

427 Ipinanganak si Platon

404 Natalo ng Sparta ang Athenai

399 Nilitis at Binitay si Sokrates

399-347 Sinulat ni Platon ang mga Dialogo niya

387 Itinatag ni Platon ang Akademia sa Athenai

367 Nagsimulang mag-aral sa Akademia si Aristoteles. Tatagal siya doon ng mga dalawampung taon

347 Namatay si Platon

342 Tinuruan ni Aristoteles si Alejandro sa Macedonia

336-323 Pananakop ni Alejandro Magno

335 Itinatag ni Aristoteles ang Lukeon sa Athenai

323 Namatay si Alejandro Magno

322 Namatay si Aristoteles

146 Nasakop ng Roma ang Gresya

58-48 Nasakop ni Julio Cesar ang Gaul, natalo si Pompey

44 Pinaslang si Cesar

31 Simula ng Emperyo Romano sa pamumuno ni Augusto

8-4 BC Isinilang si Jesus Nazareno

14 AD Namatay si Augusto

29-30 Namatay si Jesus

312 Pagpapabinyag ni Konstantino bilang Kristiyano

410 Nilusob ng mga Visigoth ang Roma

476 Wakas ng Emperyo Romano sa Kanluran

529 Ipinasara ni Justinian ang Akademia ni Platon. Itinatag ni San Benedicto ang unang monasteryo sa Monte Cassino

622 Simula ng Islam

1150 Muling pagpasok ng mga teksto ni Aristoteles sa Kanluran

1170 Itinatag ang Pamantasan ng Paris

1225 Ipinanganak si Sto. Tomas Aquino

1245 Nagsimulang mag-aral ni Sto. Tomas sa ilalim ni Alberto Magno

1266-73 Summa Theologica ni Sto. Tomas

1274 Namatay si Sto. Tomas

1323 Hinirang si Sto. Tomas bilang santo ng Simbahan

1453 Bumagsak ang Constantinople sa mga Turkong Ottoman, wakas ng Emperyo Byzantium

1492 Nakarating si Columbus sa Amerika

1508 Ipininta ni Raphael ang School of Athens

1508-12 Pininturahan ni Michelangelo ang kisame ng Kapilya Sistina

1517 Simula ng pagreporma ni Luther sa Simbahan

1534 Itinakwil ni Henry VIII ang Simbahang Romano at itinatag ang Simbahang Anglican

1540 Itinatag ni San Ignacio de Loyola ang Kapisanan ni Hesus

1543 Inilimbag ang De Revolutionibus ni Kopernik

1600 Isinulat ni Shakespeare ang Hamlet

1633 Kinondena ng Simbahan si Galileo

1637 Inilimbag ang Meditationes ni Descartes

1687 Inilimbag ang Principia ni Newton

1749 Isinilang si Goethe

1769 Isinilang sina Beethoven, Hegel, Napoleon, Holderlin, at Wordsworth

1776 Declaration of Independence nina Jefferson atbp. Wealth of Nations ni Adam Smith

1781 Inilimbag ang Kritik der reinen Vernunft
ni Kant

1787 Itinanghal ang Don Giovanni ni Mozart

1789 Rebolusyong Pranses

1798 Isinulat ni Malthus ang Essay on the Principle of Population

1799 Naging unang konsul ng Pransya si Napoleon

1803 Isinakonsepto ni Dalton ang teorya ng atomo

1804 Namatay si Kant

Itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento