Napanood ba ninyo ang pelikulang The Dark Knight? May matinding hamon laban sa etika ang isinulong ng katunggali ni Batman na si Joker. Ayon daw sa kanya:
Mula sa http://www.imdb.com/title/tt0468569/quotes
"You see, their morals, their code, it's a bad joke. Dropped at the first sign of trouble. They're only as good as the world allows them to be. I'll show you. When the chips are down, these... these civilized people, they'll eat each other. See, I'm not a monster. I'm just ahead of the curve."
Subukan muna natin isalin:
"Alam mo, ang kanilang moralidad, kalokohan lang yan. Bibitawan sa unang sandali ng problema. Mabuti lamang sila kung pahihintulutan ng kanilang kapaligiran. Ipapakita ko sa iyo. Kapag nagkalokohan na, itong... itong mga taong sibilisado, kakainin nila ang isa't isa. Hindi naman kasi ako isang halimaw. Angat lang ako sa marami."
Heto ang tesis ni Joker:
Wala talagang etika at imposible maging etikal. Ang taong etikal ay iiral lamang dahil sa kaayusang inihahatid ng mga makataong patakaran. Oras na pumasok sa eksena ang anarkiya (mula sa Griyego: anarkhos: walang pinuno) at masira ang kaayusan, magiging kanya-kanya na ang mga tao kung saan mauuwi ang lahat sa gulangan at matira ang matibay.
Kung tatanggapin natin ang tesis ni Joker, wala talagang etika at walang saysay ang ating mga ginagawa sa klase.
Kaya't ipaskil na ninyo dito ang inyong mga reaksyon, karagdagang tanong, pagmumuni, at mga pagtangkang unawain ang tanong at maghain ng angkop na tugon.
Salamat sa pakikibahagi sa pagmumuni-muni.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento